Duterte, 'di raw nais makipag-away sa pinakamakapangyarihan pangulo sa mundo.

Duterte, 'di raw nais makipag-away sa pinakamakapangyarihan pangulo sa mundo.


Mas malumanay na ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes tungkol kay US Barack Obama.

"While the immediate cause was my strong comments to certain press questions that elicited concern and distress we also regret it came across as a personal attack on the US president," saad sa ipinalabas na pahayag ni Duterte na kasalukuyang nasa Laos kaugnay ng idinadaos na ASEAN summits.

Sa kaniyang pre-departure briefing sa Davao City nitong Lunes bago tumulak patungong Laos, pinasaringan ni Duterte si Obama nang matanong ng mga mamamahayag tungkol sa posibilidad na mapag-usapan nila ang usapin ng extrajudicial killings at human rights.

Iginiit ni Duterte na walang maaaring makapagdikta sa kaniya at nagbabala na maaaring makapagbitiw siya ng hindi magandang salita.

“You must be respectful. Do not throw away questions and statements. P ----- mo, murahin kita diyan sa forum na iyan. Huwag mo akong ganoonin. Tell that to everybody,” ani Duterte.

BASAHIN:  Duterte on discussing human rights with Obama: Nobody has the right to lecture me

Dahil sa naturang sinabi ni Duterte, iniulat na kinansela na ni Obama ang pakikipag-usap nito kay Duterte na nakatakdang gawin ngayong Martes.

BASAHIN: Obama cancels meeting with Duterte after insult

Pero ipinagpaliban lang sa ibang araw ang pagpupulong ng dalawang lider.
Sa pagdating niya sa Laos, sinabi ni Duterte na ayaw niyang simulan ang away sa "most powerful president on the planet."

"The meeting between the United States and the Philippines has been mutually agreed upon to be moved to a later date," dagdag niya.

Nilinaw din ng pangulo na nais lang niyang isulong ang independent foreign policy.

"Our primary intention is to chart an independent foreign policy while promoting closer ties with all nations, especially the US with which we have a had a long standing partnership," paliwanag ni Duterte.

"We look forward to ironing out of difference arising out of national priorities and perceptions, and working in mutually responsible ways to both countries," dagdag niya. —Agence France-Presse/ FRJ, GMA News


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento